Maglinis araw-araw ng bahay upang hindi pamahayan ng dust mites lalo na sa loob ng silid;
Umiwas sa paggamit ng fans at vacuum cleaners dahil pinagagalaw nito ang mga alikabok at ang allergens na nasa hangin;
Kung may planong magbakasyon, ipinapayo ang pagpunta sa beach dahil ang coastal areas ay hindi gaano ang mga pollen;
Upang makaiwas sa kagat ng insekto:
1.Iwasang gumalaw kapag may bubuyog o putakti na nakapaligid;
2.Gumamit ng guwantes kapag naghahalaman;
3.Lumayo sa mga namumungang bungang-kahoy at nahuhulog na mga prutas
4.Umiwas sa pagsusuot ng matitingkad na kulay ng damit—umaakit ito ng mga insekto;
5.Umiwas sa paggamit ng pabango;
6.Huwag ding kumain sa labas kung saan maraming insekto;
7.Iwasan ang mawalan ng sapin sa paa.
Kapag ang bata ay may allergies, huwag siyang bigyan ng stuff toys. Ang mga ito ay may kapok at ibang hibla na mataas ang pagiging allergenic.
Panatilihing presko at palaging bagong palit ang mga kurtina dahil dito namamahay ang makapal na alikabok.
Kumain nang sapat at balanseng pagkain, kabilang na ang sumusunod na sangkap at prutas.
olive oil. Ito ay may poliunsaturated fats (oleic at linoleic acids) na nakakapagpasigla ng panlaban ng katawan at mahalaga sa puso at sa ugat na daluyan ng dugo.
bawang. Pinaghuhusay ang lakas ng T lymphocytes. Ang pagkain ng bawang ay tumutulong sa katawan upang mapadami ang bilang ng natural na protective cells.
sariwang prutas at gulay. Dahil sa ang mga ito ay masustansiya, at mataas ang nilalamang bitamina at mineral, ang mga ito ang nagsisilbing antioxidant at pang- revitalize.
yogurt. Ang mga bakterya na nakikita sa yogurt ay tumutulong sa immune system at
intestinal lining.
mga napapanahon na prutas, sibuyas, kalabasa, carrots, pollen, honey, parsley, avocado, kamatis, at isda. Ito ang mga tumutulong sa katawan laban sa mga allergy.
Ang pangangalaga sa atay ay napakahalaga sa mga taong may allergies. Isang mabisang paraan upang maprotektahan ito ay ang pag-iwas sa pagkain ng mga pinirito, at may saturated fats at rich foods. Mahalaga rin ang lemon na magagamit bilang sangkap o kaya ay sa lemonada.
Malawak ang ebidensiya na ang air pollutants ay pinalalala ang allergies at asthma. Ang mataas na concentrates ng Nitrogen at Nitrogen dioxide ( NO2) at ang mga particles sa hangin dahil sa mataas na emission ng diesel exhaust, ay sinasabing malaki ang kaugnayan sa air pollustion spurring allergies.
Paunawa sa Babasa
Ipinapayo ng WikiFilipino na kumonsulta pa rin sa doktor o espesyalista. Hindi mananagot ang WikiFilipino sa anumang mangyayari sa mambabasa kapag sinunod ang mga payong pangkalusugan
Sources
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=AllergiesTrudent Reference Publishing/ Grolier, Guide To Medical Cures and Treatments.