Author Topic: THINGS YOU KNOW ABOUT : HICCUPS o PAGSINOK  (Read 3642 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline PinoyNurse

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 779
  • Rate this post: +0/-0
THINGS YOU KNOW ABOUT : HICCUPS o PAGSINOK
« on: December 11, 2011, 05:17:33 PM »
THINGS YOU KNOW ABOUT : HICCUPS o PAGSINOK
by Rajen Bombasi, MD

Ang hiccups o pagsinok ay tunog na nagmumula sa pagtigas at pagliit ng diaparagm na nagdudulot ng pagkapigil sa paghinga mula sa pagsara ng vocal cords (glottis). Karaniwan itong tumatagal mula isang minuto hanggang ilang oras.

Mga Sanhi

Kabilang ang pagkain ng marami, pag-inom ng carbonated na likido o softdrinks, pag-inom ng alak, pagkain ng maanghang na bagay, biglaang pagbabago ng temperatura sa loob ng sikmura, paninigarilyo, pagkagulat at malakas na pagtawa sa mga sanhi ng panandaliang pag-atake nito. Kapag ang pagsinok ay tumagal ng higit sa 48 oras, ito ay tinatawag nang “intractable hiccups.” Ilan sa itinuturong sanhi nito ay ang irritasyon ng Phrenic nerve, mga sakit (Diabetis, stroke, Pneumonia, Meningitis, Gastro-esophageal Reflux Disease) epekto ng mga gamot (barbiturates, sedatives), pagkawala ng balanse ng electrolytes sa katawan, pagsailalaim sa general na anesthesia at major na operas-yon.



Mga siNtomas at komplikasyon

Karaniwang nakararamdam ng patlang sa paghinga na sinusundan ng animo’y siyap ng ibon. Maaari rin manginig ang katawan tuwing ito’y aatake at magdudulot ng pansamantalang kahirapan sa pag-hinga. Ang mga kaso na tumatagal ng higit sa 2 araw ay maaari nang magdulot ng ‘di kaaya-ayang epekto sa pagkain, pagtulog at paghinga.

Mga pagsusuri

Matapos ang detalyadong pagtatanong sa pasyente ng manggagamot ay isinasailalim sila sa Neurologic exam upang matukoy ang pinagmulan ng pagsinok. Ang mga eksaminasyon sa dugo (CBC, FBS Bun, Crea), X-ray, CT Scan, MRI at Endoscopy ay makatutulong din nang malaki sa pagtuklas ng mga sanhi ng “intractable hiccups.”

Paraan ng gamutan

Sa mga simpleng kaso na tumatagal lamang ng ilang minuto hanggang isang oras ay ‘di na kinakailangan pang inuman ng gamot. Sapat na ang pagpigil sa paghinga sa loob ng 10 segundo, paghinga sa loob ng papel na sisidlan (brown paper bag), biglaang pag-inom ng malamig na tubig, pagbabad ng yelo sa loob ng bibig at pagkain ng isang kutsaritang asukal upang maibsan ito. Ang mga maselang kaso na bumibilang ng araw ang tagal ng pag-atake ay ginagamot base sa sanhi nito. Maaaring magbigay ng alinman sa mga gamot na Chlorpro-mazine (anti-psychotics), Metocopramide ( ga-mot sa pagsusuka), Baclofen (pamparelaks ng masel), Omeprazole (Proton-pump inhibitors)at pag-ineksyon ng Procaine (anesthesia) sa Phrenic nerve. Kapag di pa rin naapula, iminumungkahi nang gawin ang Phrenictomy o ang pag-opera ng phrenic nerve at ang paglagay ng isang apparato na kokoryente sa nerve. Makapagbibigay din ng panandaliang lunas ang accupuncture at hypnosis.

Paano ito maiiwasan

Kumain ng 3 beses sa isang araw. Umiwas sa maanghang na pagkain. Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng carbonated na inumin at alak. Sumangguni agad sa manggagamot kapag ‘di agad nawala ang pagsinok upang mabigyan ng karampatang lunas.

Nung bata pa ako naalala ko kapag narinig nila na nagsisisnok ako sasabihin nila nagnakaw ka ng itlog sa pugaran noh??hihihi

GreenBodyTalk.com

THINGS YOU KNOW ABOUT : HICCUPS o PAGSINOK
« on: December 11, 2011, 05:17:33 PM »
Travel Sale Mountain View

Offline punkyjam

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 1298
  • Rate this post: +0/-0
Re: THINGS YOU KNOW ABOUT : HICCUPS o PAGSINOK
« Reply #1 on: December 11, 2011, 05:18:04 PM »
Ako din ang alam ko noong bata pah ako pg nagsinok ng kupit ng itlog ng manok .hehehe..! ..thank u poh admin bam sa info..! GOD Bless u Always .mwaahh


Living a green body in an ungreen world

 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Last post
0 Replies
422 Views
Last post July 01, 2010, 02:46:57 AM
by doubledgesword
2 Replies
486 Views
Last post September 14, 2014, 08:52:04 AM
by LAD


Posting Disclaimer

The GreenBodyTalk.com Website is not a replacement for professional medical treatment, cure, or diagnosis. When experiencing any health related problem or making changes to existing treatment, it is always suggested to consult medical advices only to qualified health professional. All the posts made to these forums express only the views and opinions made by the respective authors, and do not represent the official opinions of GreenBodyTalk, its administrators, moderators, editorial staff, health contributors, and the GreenBodyTalk Management as a whole. GreenBodyTalk is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and hence GreenbodyTalk Forum and its principals will accept no liabilities or responsibilities for the statements or posts made.This page was last updated on November 2, 2008. Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.

Advertising Disclaimer

We are not related to and do not endorse any product or service being advertised on the site.

Locations of visitors to this page
Google-Translate-Chinese (Simplified) BETA Google-Translate-English to French Google-Translate-English to German Google-Translate-English to Italian Google-Translate-English to Japanese BETA Google-Translate-English to Korean BETA Google-Translate-English to Russian BETA Google-Translate-English to Spanish
Powered by
+ Grab this widget
Some rights reserved. Copyright 2008-2014 Greenbodytalk.com