Author Topic: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?  (Read 3889 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline berto

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 577
  • Rate this post: +0/-0
Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy




San kayo guilty dito?

TAYONG mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. Soft drinks –
Naku, guilty ka diyan, ‘di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga diabetiko. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, distilled water na lang!

9. French fries –
Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi nang maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter -
Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. Alak —
May mga pasyenteng nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din nang maraming kanser.

6. Junk food –
Nakaka-addict ang mga sitsirya, corniks at potato chips. Ito’y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan. Turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. Hilaw na karne –-
Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa. Siguraduhing luto ang inyong kinakain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bulate sa suka o calamansi.

4. Street food –
Ayon sa pagsusuri, 70 percent ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag hindi naghugas ang mga street vendors ng kamay, puwede itong lumipat sa ating pagkain. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at taho. Minsan, nakakita ako ng isang magtataho na gumamit ng kanyang tuwalya para tanggalin ang sobrang tubig sa kanyang taho. Huwag makipagsapalaran!

3. Laman loob –
Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na nagdudulot din iyan ng kanser.

2. Chicharon at chi-charon bulaklak —
Sabi ng kaibigan ko, “Balat lang naman ang gusto ko eh, hindi naman taba.” “Eh saan ba nagtatago ang taba,” sabi ko. “Sinawsaw ko naman sa suka,” hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. Lechon –-
Ang paborito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, tikim-tikim lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasaktan ko ang inyong damdamin, pero iyan po ang buong katotohanan. Ingat!

HEALTH ALERT
by Kuya Kim
« Last Edit: November 04, 2011, 10:04:29 PM by berto »
Please click on the banner to go to link

GreenBodyTalk.com


Offline punkyjam

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 1273
  • Rate this post: +0/-0
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #1 on: November 04, 2011, 10:06:24 PM »
naku guilty ako dito #4 to #10.. wah....

ang sarap kasi minsan e.. hay paano ko kaya mabawasan ?


Living a green body in an ungreen world

Offline gct168

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 204
  • Rate this post: +0/-0
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #2 on: November 04, 2011, 10:22:58 PM »
Ako...

10. Softdrinks maybe 1x a week
9.  French fries, bihira
8.  Gravy & mayo...yes
3.  Laman loob, most especially pork kidney and atay.
    Diyan ako mahilig lalo na "cha yo chi" from ManHann.

No wonder mataas uric acid ko. Better to stop all these na.


Offline iambutz

  • Maybe you know my name but not my story
  • Full Member
  • ***
  • Posts: 1610
  • Rate this post: +0/-0
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #3 on: November 05, 2011, 01:05:40 PM »
from #10-5 yan ang madalas kong kainin :) hehehe pero ngayon pag mag lunch kami FISH na inoorder ko heheheh
« Last Edit: November 05, 2011, 01:13:38 PM by iambutz »


Offline EcstasY

  • Come party high with me!
  • Full Member
  • ***
  • Posts: 2589
  • Rate this post: +0/-0
  • "Once you popped, you can't stop!"
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #4 on: November 05, 2011, 04:46:42 PM »
1,
2,
6,
9,

Iyan ang mga favorite kong kainin. ;D


Choirboy1972

  • Guest
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #5 on: February 13, 2012, 12:55:33 PM »
9 - my weakness
6 - trying to eat in moderation
2 - have you all tried yung baked Porky Popps ng Oishi?  Hehehe!
1 - pag may major handaan lang


Offline hard.shaft

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 406
  • Rate this post: +0/-0
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #6 on: February 13, 2012, 01:13:46 PM »
hit me! ahahaha :D

9 - can't resist. hwag lang fries ng jbee..
8 - esp MAYO. have you tried mayo in siopao? (kinda weird but try it!)
4 - my fave dessert after my lunch (fishball, squid and chix balls)
6 - "hows" about MangJuan chicharon

i can stay away from the remaining bad foods. ang kanin ba bad food ahaha coz ma-rice din ako?


Offline janvampino

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 756
  • Rate this post: +0/-0
Re: Mga ‘BAD FOODS’ na hilig ng Pinoy. Alin dito ang kinakain nyo?
« Reply #7 on: July 14, 2012, 06:46:37 PM »
 1 and 2 lang..... Pero naku, ung dalawang yun pa ata yung pinaka-nakamamatay...


 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Last post
1 Replies
742 Views
Last post February 04, 2010, 12:10:46 AM
by punkyjam
3 Replies
1066 Views
Last post December 16, 2013, 08:28:56 PM
by Taongbahay
3 Replies
822 Views
Last post October 23, 2012, 12:44:46 PM
by LAD
11 Replies
1369 Views
Last post May 01, 2014, 12:36:15 AM
by keimat
3 Replies
318 Views
Last post February 15, 2014, 09:54:26 AM
by prettygirl


Posting Disclaimer

The GreenBodyTalk.com Website is not a replacement for professional medical treatment, cure, or diagnosis. When experiencing any health related problem or making changes to existing treatment, it is always suggested to consult medical advices only to qualified health professional. All the posts made to these forums express only the views and opinions made by the respective authors, and do not represent the official opinions of GreenBodyTalk, its administrators, moderators, editorial staff, health contributors, and the GreenBodyTalk Management as a whole. GreenBodyTalk is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and hence GreenbodyTalk Forum and its principals will accept no liabilities or responsibilities for the statements or posts made.This page was last updated on November 2, 2008. Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.

Advertising Disclaimer

We are not related to and do not endorse any product or service being advertised on the site.

Locations of visitors to this page
Google-Translate-Chinese (Simplified) BETA Google-Translate-English to French Google-Translate-English to German Google-Translate-English to Italian Google-Translate-English to Japanese BETA Google-Translate-English to Korean BETA Google-Translate-English to Russian BETA Google-Translate-English to Spanish
Powered by
+ Grab this widget
Some rights reserved. Copyright 2008-2014 Greenbodytalk.com