Author Topic: 10 TIPS TO PREVENT COLDS AND INFLUENZA (tagalog version)  (Read 5354 times)

0 Members and 1 Guest are viewing this topic.

Offline LAD

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 1599
  • Rate this post: +0/-0
10 TIPS TO PREVENT COLDS AND INFLUENZA (tagalog version)
« on: July 05, 2009, 11:29:26 PM »
Dahil na rin sa Sa lumalalng cases ng h1n1 ...siguro maganda na ishare ko itong preventive tips...tagalog version.. umattend kasi ako ng seminar regarding d2 e..Pag may sakit ka kasi, masama ang pakiramdam mo, nahahawa ang mga tao sa bahay, nasisira ang schedule ng mga tao sa paligid mo ..at mahirap talaga magkasakit ngayon..


10 tips to prevent colds and influenza".

1. Maghugas lagi ng kamay.(wash hands always)

Dahil nakukuha ang mga virus pag humahawak tayo ng mga bagay na hinawakan ng ibang taong may sipon o ubo gaya ng telepono, keyboard o door knob, laging maghugas ng kamay, lalo na kung bago kumain.

2. Ugaliing Magmumog.(gargle)

Don sa inattendan ko may mga colored pamphlets pa sila (complete with cartoon characters) na binibigay sa mga grade school students para maturuan ang mga bata sa pagmumumog. Tandaan na hindi ito yung ordinaryong pagmumumog ng bibig; dapat galing sa lalamunan kaya dapat nakatingin ka sa taas habang pinapalabas mo ang hininga mo. Kahit mga adult na Japanese, marami akong nakikitang nagmumumog pag winter (at hindi ito yung mumog na ginagawa pagkatapos kumain).

3. Iwasan ang paghawak sa mukha. (Avoid touching you face)

Pumapasok sa katawan ang mga virus mula sa bibig, ilong at mata kaya pag-ingatan na huwag hawakan ang mga ito lalo na kung hindi ka pa naghuhugas ng kamay.

4. Gumamit ng humidifier sa bahay.(pag malamig )

Gusto daw ng mga virus na magpalutang-lutang sa malamig at tuyong hangin kaya maiging gumamit ng humidifier sa bahay lalo na kung gumagamit din kayo ng heater na nagpapatuyo ng hangin.

5. Lumanghap ng sariwang hangin. (Fresh air helps)

maganda daw sa katawan ang sariwang hangin.Marami na nagsasabi neto totoo siguro :) Natutuyo daw kasi ang katawan pag gumagamit tayo ng heater sa taglamig kaya mabuting buksan paminsan-minsan ang mga bintana para makalanghap ng sariwang hangin. Tandaan din na kapag malamig, maraming tao ang nasa loob lang ng bahay o buildings kaya mas maraming virus ang nasa loob at mas madaling magkahawahan ang mga tao.

6. Mag-hot bath.

HIndi lang daw matatanggal ang sipon mo pati libag na tinataguan ng nga virus (daw, ewan ko). :) Dapat ata dumalaw ako sa spa paminsan minsan e hehehe

7. Uminom ng maraming tubig at juices.(ok daw pag citrus fruits)

 kailangan ng katawan ng maraming fluids para ma-rehydrate at mailabas ang mga toxins sa katawan. Mas maganda kung citrus juices lalo na kung may sipon o ubo ka

8. Mag-exercise (tayo tuwing maaga) sing it  :D :D :D.

Pag nag-e-exercise tayo, lumalakas ang sirkulasyon ng dugo sa buong katawan, bumibilis ang paghinga para mabilis ding mabigyan ng baga ang dugo ng oxygen at pinagpapawisan ang katawan habang ito'y umiinit. Napapadami ng pag-e-exercise ang mga cells sa katawan na pumapatay ng virus.

9. Matulog ng maigi at mahimbing

Nakakapagpahina ng immune system ng katawan ang hindi pagkuha ng tamang tulog kaya matulog ka hanggang tanghali (o hanggang hindi ka ma-late sa trabaho).

10. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Nakakakuha daw ng mas maraming impeksyon sa baga ang mga naninigarilyo kasya sa mga hindi. At pag nakakuha sila ng kaze o influenza ay mas masahol ang mga sintomas. (Nasabi ko na ba na nakaka-cancer din daw ito?) Ang sobrang pag-inom ng alak naman ay nakaka-dehydrate ng katawan bukod pa sa nasisira nito ang atay, na natural na nagfi-filter ng germs ng katawan, kaya matatagalang mawala sa loob ng katawan ang mga germs.

Siyempre, pag hindi umipekto ang mga tips sa taas at nagkaroon ka ng kaze o influenza, pumunta ka kaagad sa doktor at humingi ng tamang diagnosis at gamot

Siyempre, dapat kumain ka ng mabuti, humigop ng maraming chiken soup for the soul at maraming fluids, at mahabang tulog at pahinga. :)

At tsaka, gumamit ka ng mask para hindi ka makahawa ng ibang tao. Usong uso ngayon yung surgical mask na nabibili sa Mercury drugs d2 sa pilipinas... Kalimutan mo na ang gamot, wag lang ang mask (lalo n kung plano  mong lumabas at pumunta ngmall). (Ang totoo, may kasama ako sa trabaho na laging naka-mask pag winter. Sabi ko, "Bakit lagi ka yatang may sipon?" Sabi nya, "Wala akong sipon, ayaw ko lang magkaroon kaya lagi akong may mask." Talking about maarte ? hehehehe ;D ;D ;D ;D

GreenBodyTalk.com

10 TIPS TO PREVENT COLDS AND INFLUENZA (tagalog version)
« on: July 05, 2009, 11:29:26 PM »
Travel Sale Mountain View

prins_ipe

  • Guest
Re: 10 TIPS TO PREVENT COLDS AND INFLUENZA (tagalog version)
« Reply #1 on: July 22, 2011, 04:49:49 PM »
salamat!


Offline papa_kenzo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 144
  • Rate this post: +0/-0
Re: 10 TIPS TO PREVENT COLDS AND INFLUENZA (tagalog version)
« Reply #2 on: November 12, 2011, 10:44:41 PM »
panahon na naman ng mga sakit na ito! Thanks for the tips !!!


 

Related Topics

  Subject / Started by Replies Last post
1 Replies
1201 Views
Last post November 03, 2009, 01:14:43 AM
by berto
1 Replies
1154 Views
Last post December 13, 2009, 12:00:02 AM
by ilovecar
0 Replies
639 Views
Last post May 19, 2012, 01:50:00 AM
by zuvelenterprises
4 Replies
685 Views
Last post January 20, 2013, 10:06:08 PM
by checkmymike
1 Replies
401 Views
Last post March 27, 2014, 09:26:06 AM
by witchaxxx


Posting Disclaimer

The GreenBodyTalk.com Website is not a replacement for professional medical treatment, cure, or diagnosis. When experiencing any health related problem or making changes to existing treatment, it is always suggested to consult medical advices only to qualified health professional. All the posts made to these forums express only the views and opinions made by the respective authors, and do not represent the official opinions of GreenBodyTalk, its administrators, moderators, editorial staff, health contributors, and the GreenBodyTalk Management as a whole. GreenBodyTalk is merely acting as an impartial conduit for constitutionally protected free speech and hence GreenbodyTalk Forum and its principals will accept no liabilities or responsibilities for the statements or posts made.This page was last updated on November 2, 2008. Creative Commons License
This work is licensed under a Creative Commons Attribution 3.0 Unported License.

Advertising Disclaimer

We are not related to and do not endorse any product or service being advertised on the site.

Locations of visitors to this page
Google-Translate-Chinese (Simplified) BETA Google-Translate-English to French Google-Translate-English to German Google-Translate-English to Italian Google-Translate-English to Japanese BETA Google-Translate-English to Korean BETA Google-Translate-English to Russian BETA Google-Translate-English to Spanish
Powered by
+ Grab this widget
Some rights reserved. Copyright 2008-2014 Greenbodytalk.com